Skip to main content

Inilunsad ng DA ang ikaapat na taunang programa sa grant na “Bend the Arc”

Para sa pagpapalabas sa Abril 4, 2024

MAKIPAG-UGNAYAN KAY:
Hugo Meza 
Deputy District Attorney
Community Prosecution Unit 
[email protected]
(408) 792-2456

Inilunsad ng DA ang ikaapat na taunang programa sa grant na “Bend the Arc”

2024 Bend the Arc Grant flyer sa Tagalog

Inumpisahan ng  Santa Clara County District Attorney’s Office ang programa sa grant sa 2024 na “Bend the Arc”, na handang magkaloob ng $60,000 na mga grant sa mga lokal na organisasyon na nagsusumikap tungo sa pagpaparami ng oportunidad.

Ang mga grupo ay karapat-dapat makatanggap ng hanggang $5,000 na grant upang tulungan silang kumilos laban sa diskriminasyon sa lahi at ang hindi pagkakapantay-pantay sa Santa Clara County. Nagsimulang mag-alok si District Attorney Jeff Rosen ng mga grant para sa komunidad noong 2021.

"Hindi pang-isang panig na trabaho ang pagsusumikap tungo sa katarungang panlahi sa ating mga kapitbahayan. Dapat  itong hikayatin at suportahansabi ni District Attorney Jeff Rosen. "Nandito kami para parehong gawin ito."

Ipinagkaloob ang isa sa mga grant na ibinigay noong nakaraang taon sa African American Community Service Agency, isang organisasyon ito na nagbibigay ng mga serbisyong nagpapanatili at nagtataguyod ng dignidad at kultura ng komunidad ng African American sa ating county. Ginamit ang mga pondo para suportahan ang gawain nitong Policy and Advocacy Program na nagpatupad ng anim na pagpupulong sa town hall sa mga paksang pampatakaran at namuno sa apat na pagkilos tungkol sa patakarang panlungsod/county.

Napunta sa Silicon Valley Pride ang isa pang grant para lalong tumulong sa dalawang kaganapan upang mapakinabangan ng mga komunidad ng Latinx at Asian American Pacific Islander. Nabigyan din ang Pacific Clinics ng isa pang grant para  nagsagawa ng limang bahaging serye ng summer workshops para sa transitional aged na kabataan, edad 16 hanggang 26, mula sa mga  nasa laylayan ng lipunanna komunidad.

Nagmula ang mga grant sa Asset Forfeiture Fund ng DA, na pera na  nasamsam mula sa mga gang, drug traffickers, at kriminal na organisasyon. Ibinabalik ng Opisina ng DA ang mga pondo sa komunidad para makatulong sa  pagsasaayos ng pinsalang dulot ng mga kriminal na iyon. Nag-anunsiyo si DA Rosen nang serye ng  26 social justice reforms noong 2020, kabilang ang Racial Justice Grant Program. Nilalayon ng lahat ng mga reporma ang pagtugon sa diskriminasyon sa lahi at itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa sistema ng katarungang kriminal. Nagsimula ang pagpapatupad ng mga reporma pagkatapos nang pagpatay kay George Floyd.

Ang deadline ng aplikasyon ay Biyernes, Mayo 10, 2024. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang webpage ng Mga Kwalipikasyon at Kinakailangan sa Aplikasyon sa Bend the Arc Grant.

###

 

Tagged in: